Diary entries forExes Baggage
1 entry
Exes Baggage
Ito yung tipo ng palabas na magpapasalamat ka at single ka. First of all, ang effortless ng chemistry nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Isa talaga ’to sa mga genre na makikita mo kung gaano kagaling si Angelica. Ang natural ng akting niya at ang husay humugot ng emosyon. Yun nga lang, gigil na gigil ako kay Nix dito. Lalo na sa tuwing bina-bring up niya ang insecurities ni Pia. Hindi na nga ko kinilig sa ending. Sad reality talaga ‘to sa mga napapansin ko. Most people would still choose a second chance over choosing themselves and their self-worth.